CHOP CHOP. Unang ginamit ang katagang ito sa paraan kung paano madali at hindi kapansin-pansing pagligpit sa mga labi ng isang biktima ng pagpatay. Kung ikaw ay nakapa nood ng Kinatay na pinagbibidahan ni Coco Martin, doon mo makikita kung ano ang pinagdaraanan ng isang biktima ng chop-chop.
Ang salitang ito ay unang ginamit sa Pilipinas nang matagpuan ang putol-putol na katawan ni Lucila Lalu sa iba't ibang lungsod noong Mayo ng 1967. Mula noon ay hindi na natigil ang mala demonyong pagpatay, pagtaga at pagtapon ng mga putol putol na katawan sa Pilipinas.
ELSA CASTILLO: CRIME OF PASSION
GINIMBAL ang buong bansa sa balita ng pagkakapaslang, pagpatay at pagputol sa iba't ibang parte ng katawan ng isang babae na nag ngangalang Elsa Santos Castillo noong 1993. Tinaguriang pinaka tanyag na crime of passion, si Castillo ay napatay ni Stephen Mark Whisenhunt sa kanyang condo noong September 24, 1993 sa Greenhills, San Juan, Metro Manila. Pagkatapos ay pinagtatataga ni Whisenhunt ang katawan ni Castillo sa iba't ibang parte ng Metro Manila patungong Bagac, Bataan. Siya ay hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng korte.
Ang nasabing krimen ay naisa pelikula na at tunay natumatak sa kasaysayan ng krimen sa bansa. Ngunit alam niyo ba na hindi na bago ang pag chop-chop ng katawan sa bansa? Narito ang dalawa pang tanyag na krimen kahintulad ng kay Castillo.
Datu Sumakwel, Kapinangan and Guronggurong: Krimen ng Pagtataksil
Ayon sa alamat ng Maragtas si Datu Sumakwel ay isang Bornean datu ng Panay na pinagtaksilan ng kanyang kabiyak na si Kapinangan. Kahit mataas na ang antas sa lipunan at napakayaman, di pa rin nakuntento si Kapinangan at nakiapid pa kay Guronggurong, ang kanang-kamay ni Datu Sumakwel.
Di naglaon ay natuklasan ni Datu Sumakwel ang pagtataksil ngunit nagpanggap na wala siyang alam. Siya ay nagpaalam sa asawa upang maglakbay. Pero di siya umalis at sa halip ay nagkubli sa kisame. Nang mahuli ang dalawa na nagtatalik ay agad na tinaga ni Datu Sumakwel si Guronggurong na agad naman nitong ikinamatay. Si Datu Sumakwel ay di nakilala bilang salarin at agad na lumisan.
Nataranta na baka abutan si Kapinangan ng kanyang asawa, dali dali pinagtataga niya ang katawan ni Guronggurong at pinagtatapon sa iab’t ibang parte ng pulo.
Lucila Lalu: 44 taon ng misteryo
Si Lucila Lalu ay pinatay at pinagtataga noong Mayo 1967 kung saan ilang parte ng kanyang katawan ay itinapon sa harap mismo ng kanyang negosyo.
Nang matuklasan ang kaniyang pagkakapatay, apat na suspek ang lumutang, lahat sinasabing may romantikong relasyon sa kaniya: isang waiter, isang dentistry student, isang pulis at isang executive ng limbagan na hindi pinangalanan ng mga awtoridad.
Si Manila Mayor Lim ang isa sa mga nagimbestiga ng kaso bilang Sarhento at Pinuno ng Follow-up Group ng Manila Police Department.
Umalis si Lucila Lalu sa Barrio Mapaniqui (Candaba, Pampanga noong 1961 upang hanapin ang magandang kapalaran sa Maynila. Mula sa pagiging waitress y nagpursige siya at di naglaon ay naging may-ari ng iba’t ibang night spot at negosyo, kabilang na ang Pagoda Soda Fountain at isang parlor sa Manila.
Di nagtagal ay inaresto si noo’y 19 anyos na si Florante Relos, karelasyon diumano ni Lucila Lalu. Ngunit giit ng suspek, me mga kasama siya noong gabing maganap ang krimen.
Sumunod na pinaghinalaan ay ang common-law husband nitong si Patrolman Aniano de Vera, isang pulis. Bunsod diumano ng matinding pagseselos ang naganap na krimen dahil sa pakikipagrelasyon ni Lalu sa ibang lalaki.
Pareho nilang itinanggi ang krimen.
Teorya ng kapulisan, isang mayaman, matalino, propesyunal, mabusisi at taong bihasa sa paggamit ng mga kutsilyo ang gumawa sa krimen. Ayon sa autopsy report na inilabas ng kapulisan, inilagay daw muna sa isang freezerang mga parte ng katawan bago ito pinagtatapon sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila. Gumamit rin diumano ang suspek ng isang pribadong sasakyan upang isagawa ang pag-didipose sa mga parte ng katawan ni Lucila Lalu.
Hanggang noong June 15, 1967 lumutang si Jose Luis Santiano, 28, isang dental student noon. Idinetalye niya ang karumal-dumal na krimen. Lahat ng ebidensiya ay tumuro sa kanya. Di nagtagal at ilang araw matapos umamin ay binawi ni Santaino ang kanyang testimonya. Sa halip ay testigo lamang siya sa karumal-dumal na krimen na sinagawa diumano ng tatlong kalalakihan.
Hanggang ngayon ay di pa rin nareresolbaang kaso. Misteryo pa rin kung sino ang pumatay kay Lucila Lalu.
No comments:
Post a Comment